Nagsagawa ng Knowledge Sharing Session kasabay ng Filipino Social Work Day Celebration at nagkaroon ng Ceremonial Signing ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng DSWD Caraga at The Association of DSWD Social Workers Inc. (ADSWI) na naganap sa Watergate Pavilion, Butuan City nito lamang Hulyo 8, 2024.
Pinangangasiwaan ni DSWD Caraga Assistant Regional Director for Administration (ARDA) Tristan Telen, Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Jean Paul Parajes, at ADSWI Caraga President Jessie Catherine Aranas.
Tinalakay dito ang pagpapalakas ng adbokasiya laban sa trafficking sa tulong ng ADSWI sa pamamagitan ng pagbubuklod buklod ng mga social workers para suportahan ang National Anti-Trafficking Awareness Month at World Day Against Trafficking 2024.
Ang layunin ng programa ay upang mabigyang importansya ang ating mga social workers ng DSWD Caraga na tumutulong mapaunlad ang ating bansa kasabay ng paggunita ng mga mahahalagang kontribusyon ng mga Filipino social workers sa lipunan.