Sumuko ang isang supporter ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Saca-on Purok Orchids, Barangay Guinoman, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 15, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Tasyo”, 62 anyos, supporter ng NPA sa ilalaim ng Regional Urban Committee , Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).

Napag-alaman na nagsilbi rin si alyas “Tasyo” bilang isang courier, look out at caretaker ng komunistang grupo.

Patuloy ang paghina ng komunistang grupo dahil sa pagsisikap ng gobyerno kaagapay ang PNP na tuldukan ang insurhensya at terorismo tungo sa isang maunlad at payapang bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *