Isinailalim sa masusing technical evaluation ang tatlong iminungkahing mga proyekto sa Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9) noong Hulyo 15 2024.
Dalawa sa nasabing mga proyekto ay nasa ilalim ng aquatic and marine resources, habang ang isa ay nasa ilalim naman ng metals and engineering sector.
Ito ay ang Dats Marine Products Trading sa Barangay Poblacion sa bayan ng Alicia; Zhemz Marine Products Trading sa Barangay Pandan-Pandan, Alicia; at ang Magno Welding Shop sa Barangay Magsaysay sa bayan ng R.T. Lim.
Ang inatasang magsagawa ng technical evaluation ay ang Regional Technical Evaluation Committee (RTEC), sa koordinasyon ng Regional Program Management Office (RPMO), at ng Provincial Science and Technology Office ng DOST-9 sa Zamboanga Sibugay.
Kalakip din sa isinagawang pagsusuri ang market, ang sustainability plans, at ang impact sa socioeconomic development sa lugar.
Ang aktibidad ay sumasaklaw sa masusing pagsusuri tungkol sa viability ng bawat proyekto, kasali na ang aspetong teknikal at pagkakahanay sa layunin ng programa.