Ang T’nalak Festival o tinatawag ding Tinalak Festival ay isang pagdiriwang tuwing Hulyo bilang pagkilala sa anibersaryo ng South Cotabato.
Ito ay ginaganap sa Koronadal City, ang kabisera ng probinsya.
Kakaiba ang pangalan ng festival dahil hinango ito sa popular na makulay na piraso ng damit na hinabi ng mga babaeng T’boli.
Ang T’nalak ay isang uri ng damit mula sa abaka, at kinulayan ng kakaiba. Ginagamit ito ng mga mananayaw tuwing may okasyon.
Itinuturing na banal ang t’nalak cloth at sinasabing ang mga T’boli weavers umano ay nagsisilbing tagapamagitan sa mga espiritung naninirahan sa mundo.
Isang buong linggo ito ng makulay na selebrasyon ng probinsya na nagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang paniniwala, kasama na ang mga Muslim, Kristiano, at mga paganong tribo.