Ang Kalimudan Festival ay ang pinakamalaking taunang pagdiriwang ng kultura at anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Sultan Kudarat. Ito ay ginaganap tuwing Nobyembre 22.
Isang linggong kaganapan o mas matagal pa na pagdiriwang na sumasaksi sa pagtitipon ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar ng lalawigan ng Sultan Kudarat at nagsama-sama sa Isulan na kabisera nito upang makisaya sa pagdiriwang ng Kalimudan Festival.
Ang Kalimudan Festival ay nagmula sa “Kalimudan”, isang salita sa wikang Maguindanaoan na ang ibig sabihin ay pagsasama-sama o pagtitipon.
Ito ay isang pagpapahayag ng pasasalamat gayundin upang ipakita ang masiglang kultura ng mga taga Sultan Kudarat.
Ang unang Kalimudan Festival ay inilunsad noong 1999 sa loob ng termino ng gobernador Omar Pax Mangudadatu sa ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.
Ang mga mahahalagang kaganapan sa ika-22 ng buwan ng Nobyembre, ang araw na nakatuon sa pag-alala sa simula ng Sultan Kudarat bilang isang malayang lalawigan. Sa araw na iyon, maraming mga grand events ang isinasagawa tulad ng street dancing na tinatawag na Sayawan sa Kalye, Anniversary ceremony, Grand battle of Festival na tinatawag na kambeli na isang showdown ng mga cultural festival dances ng mga contingents na nagmumula sa iba’t ibang lokalidad ng probinsya, at marami pang iba.