Ipinagdiwang ang 2nd “Indigenous People Celebration” ng mga tribung Manobo, Maguindanaon, at marami pang iba sa Barangay Liliongan sa bayan ng Carmen, Cotabato na ginanap nito lamang ika-22 ng Hulyo, 2024.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga lider ng komunidad at mga miyembro ng iba’t ibang tribo.

Nakiisa naman si Indigenous People Mandatory Representative/ Ex-officio Board member Arsenio M. Ampalid bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Tema sa nasabing pagdiriwang ang “Panaghiusa sa Katawhang Lumad, Tulay sa Kalinaw ug Kalambuan sa Brgy. Liliongan” na nagbigay-diin sa pagkakaisa ng mga katutubo bilang tulay tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng barangay.

Isinasalarawan sa programa ang kultura at tradisyon ang mga katutubo at binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ng barangay.

Ang pagdiriwang ay naging makulay at masaya tampok ang mga pagtatanghal sa sayaw at musika mula sa mga katutubong grupo, na nagpakita ng kanilang mayamang kultura at tradisyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *