Palimbang, Sultan Kudarat – Narekober ng mga awtoridad ang mga armas ng mga patakas na miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa Barangay Batang Bagras, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang Hunyo 27, 2023.

Batay sa ulat, habang patuloy sa pagsasagawa ng security operation ang militar ay kanilang nakasagupa ang nasa 13 miyembro ng NPA na tumagal ng 15-minutong engkwentro.

Narekober sa naturang operasyon ang dalawang yunit ng M16 rifle.

Sa ngayo’y patuloy pang hinahabol ng kasundaluhan ang mga tumakas na mga rebelde kasabay ng pagbibigay ng seguridad sa mga komunidad upang hindi na muli pang makapaghasik ng lagim ang mga rebeldeng NPA.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *