Namahagi ng 300 bagong upuan para sa nalalapit na balik-eskwela ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum sa pamamagitan ng Care for School Chairs Program nito lamang ika-27 ng Hulyo, 2024.
Naging benepisyaryo sa pagkakataong ito ang Tagum National High School na nakatanggap ng 150 na upuan gayundin ang La Filipina National High School.
Layunin ng Care for School Chairs Program na suportahan ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng pamimigay ng mga upuan at lamesa na makakapagbigay ng kaginhawaan nang mas maituon ang kanilang atensyon sa pag-aaral.
Sa pamumuno ni Tagum City Mayor Hon. Rey T. Uy, patuloy magsusumikap ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum upang maibigay ang suporta at serbisyong nararapat sa bawat Tagumenyo.