Zamboanga del Sur- Tiklo ang dalawang indibidwal nang mahuli sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Boundary Control Point, Purok 1 Brgy. Anonang, Aurora, Zamboanga Del Sur nito lamang Hulyo 28, 2024.
Ayon sa ulat ng PNP, bandang 8:00 ng umaga nang mahuli sa isinigawang check point ang dalawang suspek na lulan ng isang unit ng Isuzu L300 na byahe galing Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte at patungo sana sa Pagadian City.
Nasabat ang 300 reams ng Astro Red, 300 reams Champion at 248 at 50 reams ng New Berlin Red na may total na 898 reams na nagkakahalaga ng Php1,029,108.00.
Kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy pa rin ang malalim na imbestigasyon ng PNP para mapanagot ang nasa likod ng pagpuslit ng naturang yosi.