Cotabato City- Nasamsam ang tinatayang Php300,000 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Bonsain River, Purok Barwin, Mother Barangay Kalanganan 2, Cotabato City noong ika-28 ng Hulyo 2024.

Ayon sa Cotabato City PNP, bandang 11:20 ng gabi nang ikasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa isang sasakyang lulan ang mga puslit na sigarilyo.

Narekober ang 20 kahon ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na may tinatayang halaga ng Php300,000.00.

Bagamat walang nahuling suspek ay patuloy ang ginawang malalim na imbestigasyon ng PNP upang managot ang nasa likod ng pagpuslit ng sigarilyo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *