Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Sarangani Energy Corporation (SEC) sa Purok Tampuan, Barangay Kamanga, Maasim Sarangani Province nito lamang ika-28 ng Hulyo 2024.
Katuwang ng SEC ang Maasim Maritime Police Station at Alsons Security Company (ALSEC).
Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis sa pamamagitan ng pagtipon-tipon ng mga basura gamit ang mga sako bilang pagmamalasakit sa ating yamang-dagat at naglalayong mapanatili ang mas malinis na dalampasigan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Umabot sa 47 na sako ng nabubulok at di nabubulok na basura ang nakolekta ng grupo na iturn-over sa Maasim Waste Management.
Hinihikayat naman ng grupo na makiisa ang mga mamamayan na maging bahagi ng pangangalaga sa kalikasan.