Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang 106 na Solar-Powered System sa mga residente ng Barangay Apokon, Tagum City nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2024.
Ang inisyatibo ay alinsunod sa programa ng lungsod na tinagawag na Dagitabnon Program na naging posible naman sa pagsisikap ng City Engineering Office-Electrical Installation and Maintenance Division.
Sa pamamagitan ng mga solar-powered system na ito, inaasahan ang pagbaba sa gastos sa kuryente ng mga residente na layunin ng programa.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum at Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte naman ay patuloy na nagsusumikap upang maiabot ang serbisyong nararapat sa bawat Taguminyo.