Handog ng Banisilan Local Government Unit ang Serbisyong Medical and Dental sa mga residente ng Barangay Poblacion 1, Banisilan, Cotabato nito lamang ika-29 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang naturang aktibidad katuwang ang Medical Workers ng Bayan ng Banisilan.
Ang mga serbisyong isinagawa ay kinabibilangan ng medikal check-up na napakinabangan ng 320 na indibidwal at dental services na may 29 na pasyente.
Namahagi rin ng 17 buntis kits para sa mga babaeng nagdadalang-tao.
Namigay rin ng 206 eyeglasses sa mga lolo at lola mula sa programang “Antipara para kay Lolo at Lola.”
Layunin ng programang ito na mabigyan ng serbisyong medikal ang mga mamamayan ng Banisilan lalo na ang mga senior citizens.