Handog ng Department of Social Welfare and Development BARMM ang cash assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City noong ika-30 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura, ang pamamahagi ng cash assistance katuwang ang tanggapan ng DSWD BARMM sa 600 na residente ng naturang lugar.
Bukod dito, nakatanggap din ng food packs at pasasalamat naman ang tugon ng mga residente kay Congresswoman Bai Dimple Mastura sa tulong na kanilang natanggap.