Matagumpay na inilunsad ang Free Wifi Project sa Barangay Poblacion, Iligan City nito lamang ika-29 ng Hulyo 2024.
Ayon kay Nouvell Krish Amery Lagapa, ang Head ng Information Communication Technology Center (ICTC) sa Iligan, ang Libreng Wifi sa Market ay may 50 mbps bandwidth.
Ito ay magagamit ng mga mamimili at vendor para sa kanilang mga transaksyon sa PalengQR Ph. Mayroong 15 site sa Iligan na may Libreng Wifi tulad ng Plaza, Anahaw Amphitheatre, City Health Office, City Hospital, sa harap ng City Hall, Tambo Terminal Lounge, at bahagi ng Tambo Market.
Katuwang ng LGU-Iligan sa pagbibigay ng libreng internet access ang Department of Information Communication Technology (DICT).
Layunin nito na matulungan ang mga maliliit na negosyo na makapag-online at makapag-market ng kanilang mga produkto at serbisyo, pati na rin makipag-transact sa kanilang mga kliyente at supplier.