Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang B-SPARED Project Turnover na ginanap sa Bacuag, Surigao del Norte nito lamang Hulyo 30, 2024.
Nagbigay ang Food and Agriculture Organization (FAO) ng mahahalagang kagamitan sa mga magsasaka at mangingisda upang matulungan maprotektahan ang mga alagang hayop at kabuhayan sa panahon ng sakuna.
Ang Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disasters, o B-SPARED Project, ay isang kolaboratibong pagsisikap sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga at FAO.
Nilalayon ng B-SPARED Project na ihanda ang komunidad bago dumating ang mga sakuna sa pamamagitan ng multipurpose cash at proteksyon sa kabuhayan, na tinatarget ang mga mahihirap at bulnerableng sambahayan.
Ang proyekto ay naglalayong magbigay ng karagdagang suporta at seguridad sa mga magsasaka at mangingisda na kadalasan ay kabilang sa mga pinaka-apektadong sektor sa panahon ng kalamidad.