Natapos na ng Department of Public and Highways Region-9 (DPWH-9) ang ipinatupad na ₱85 million halaga ng Road Widening Project sa isang primary road sa lalawigan ng Zamboanga del Sur nito lamang Hulyo 29, 2024.
Ang naturang kalsada ay may habang 2.10 lane kilometers na nag-uugnay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.
Kaakibat sa road widening project ay ang installation ng pipe culverts, lined canal, at thermoplastic pavement markings para sa ligtas na byahe ng mga motorista.
Ang proyekto ay bahagi pa rin ng infrastructure flagship projects ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng kanyang “Build, Better, More” Development Agenda para sa Bagong Pilipinas.
Photo by: DPWH Region 9