Sumuko ang isang 46-anyos na lalaking miyembro ng Milisyang Bayan sa mga awtoridad sa Brgy. Sagcungan, President Roxas, Cotabato nito lamang ika-30 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas ‘Ka Igyot’.
Napag-alaman na dating Collector at Intel ng Milisyang Bayan mula sa Daguma Guerilla Front 53 si ‘Ka Igyot’.
Kasabay ng pagbabalik-loob sa mga tauhan ng President Quirino Municipal Police Station ay tinurn-over nito ang isang yunit ng shotgun na mayroong apat na bala.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.