Zamboanga Sibugay- Sumuko ang isang supporter ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad nito lamang ika-29 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Joe”.
Nabatid na supporter si “Joe” ng Militia ng Bayan, Guerilla Front Committee SECOM Feliciano “A” na nag o-operate sa Zamboanga Sibugay.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko, magbalik-loob at mamuhay nang tahimik kasama ang kanilang pamilya.