Lanao del Sur- Nasakote ang tinaguriang Regional Level Top 10 Most Wanted Person sa kasong pagnanakaw sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Puga-an, Marawi City, Lanao Del Sur noong ika-11 ng Agosto 2024.

Kinilala ang akusado na si alyas “Pepeng”.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Robbery na may inirekomendang piyansang Php120,000.00.

Napag-alaman na ang naarestong suspek ay nakatala rin bilang Top 10 Most Wanted Person sa Lanao del Sur Provincial Police Office.

Patuloy ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad at terorismo upang mas maging tahimik, payapa at progresibo ang ating bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *