Muling inilapit sa mga Taguminyo ang iba’t ibang pampublikong serbisyo ng lokal na pamahalaan sa isinagawang Service Caravan nito lamang Agosto 11, 2024 sa Barangay Bincungan, Tagum City, Davao del Norte.
Kabilang sa mga serbisyong handog rito ay libreng medical at eye check-up at dental consultation at tooth extraction, libreng gupit, pet castration, manicure, pedicure, mobile library para mga bata at mag-aaral at iba pa.
Nakiisa rin sa naturang programa ang Bureau of Fire Protection na binigyang-diin ang fire safety tips.
Bago naman matapos ang programa ay namigay naman ng food package ang mga tauhan ng City Mayor’s Office at iba’t ibang seedlings.
Patuloy naman ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum sa pamumuno ni Tagum City Mayor Rey T. Uy, na matiyak ang mabilis at epektibong serbisyo para sa publiko.
