Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang mga natatanging magsasaka at mangingisda sa inilunsad na 2024 Gawad Salakot Awards sa lungsod ng Zamboanga noong ika-10 ng Agosto 2024.

Ang naturang aktibidad na tinaguriang “Junta: Dia de Agradecimiento y Reconocimiento del maga Siembradores y Pescadores de la Ciudad de Zamboanga” ay inilunsad sa pamamagitan ng City Agriculturist Office.

Nakatanggap ng plake at tig Php10,000.00 ang bawat awardees ng 2024 Gawad Salakot Awards sa pamumuno ni Zamboanga City Mayor John Dalipe.

Binigyang diin ng alkalde ang mahalagang papel at kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa food security at sa pag-unlad ng ekonomiya sa lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *