Matagumpay na naisagawa ang Family Planning Month Celebration sa mga bayan ng Pigcawayan, Cotabato nito lamang ika-11 ng Agosto 2024.

Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na pinamumunuan ni Department Head Dr. Eva C. Rabaya, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at Rural Health Unit, kung saan naging sentro nito ang paglulunsad ng programang “Usapang BIBA (Batang Ina, Batang Ama)”.

Dito idinaos ang isang talakayan na nakatutok sa kapakanan ng mga batang ina at ama upang magabayan tungo sa maayos at responsableng pagbuo ng pamilya, binigyang diin dito ang mga paksang “family planning (FP) method” at kahalagahan ng “age gap” sa pagkakaroon ng anak.

Naipaabot din ang iba’t ibang serbisyo tulad ng implant insertion (removal and replacement), depot-medroxyprogesterone (DMPA) injection, intrauterine device (IUD) insertion at pamamahagi ng hygiene kits para sa mga partisipante at bitamina naman para sa mga anak ng mga ito.

Layunin nito na magkaroon ng kaalaman sa panahon ng unang pagbubuntis, pagpaplano ng agwat ng pag-aanak, at ang paglilimita sa laki ng pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *