Lumagda sa Technology Licensing Agreement (TLA) ang Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9), sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office sa Zamboanga del Norte, sa Aqua Pager Water Refilling Station na nakabase sa Dipolog City nito lamang ika-17 ng Agosto 2024.
Ang kasunduan ay magbibigay-daan para sa adopsyon o pagtanggap sa DOST-Food and Nutrition Research Institute o DOST-FNRI Iodine-Rich Drinking Technology na “Tubig Talino.”
Ang Tubig Talino ay isang innovative solution na paghaluin ang purified o ang ordinaryong naiinom na tubig sa Water Plus I2. Ito’y upang pataasin ang iodine intake para sa mga Pilipino, at itaguyod ang mabuting kinalabasan sa kalusugan.
Bilang bahagi ng pangako at tungkulin ng DOST na maisulong ang kalusugan ng publiko, ang Tubig Talino ay isa sa maraming innovative technologies na maaaring gamitin o tanggapin.
Photo by: DOST