Hired on the spot ang 27 na aplikante sa ginanap na World Café of Opportunities ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Iligan City nito lamang ika-17 ng Agosto 2024.

Ayon kay TESDA Regional Director Rafel Abrogar II, kada taon ginaganap ang World Café of Opportunities ng TESDA.

Kaugnay din ito ng ika-30 na anibersaryo At kauna-unahang Iligan City TVET Industry Week.

Mahigit 325 naman ang dumalo sa nasabing aktibidad at 27 ang mapalad na natanggap agad at 25 naman na kompanya ang lumahok na may anim na international companies.

Layunin ng programa na mabigyan pagkakataon ang mga aplikante na makahanap ng trabaho at makilala ang iba’t ibang kumpanya.

Nakakatulong din ito sa mga employer na mabilis na makahanap ng mga kwalipikadong kandidato.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *