Hinirang bilang Top 6 Most Competitive Highly Urbanized City ang Cagayan de Oro City sa ginanap na Creative Cities and Municipalities Congress nito lamang ika-23 ng Agosto 2024.

Ang parangal ay tinanggap ng Local Economic Development and Investment Promotions Officer John W. Asuncion at Acting City Planning and Development Coordinator Chedilyn Aissa Dulguime bilang mga kinatawan ng Mayor Klarex, kasama ang Department of Trade and Industry (DTI-10) Assistant, Regional Director Almer Masillones.

Ang kabuuang ranggo ng Cagayan de Oro ay tumaas ng isang antas ngayong taon, dahil ang lungsod ay naging ‘Top 7 Most Competitive Highly Urbanized City’ sa taong 2023.

Ikinagagalak at ipinagmamalaki ni Mayor Klarex Uy, ang karangalang natanggap ng Cagayan de Oro City na mapabilang ang lungsod sa isa sa mga Most Competitive Highly Urbanized City sa buong bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *