Silipin natin ang mga produktong mabibili tulad ng mais at black rice na siyang pangunahing produkto ng bayan na pasok sa inyong mga budget sa Tulunan, Cotabato.

Mayroon din itong ibinibentang foliar fertilizer, gulay, prutas gaya ng buko at saging at custom-made bags na gawa mula sa lokal na materyales at malikhaing mga kamay ng Tulunense.

Kung kainang sosyal ngunit abot kaya naman ang hanap, hindi magpapahuli ang bayan dahil marami itong restaurant na pwedeng mapuntahan gaya ng The Kopi Spot, Agot Park’s Place, Cafe 27, Guigui Grill, Claude Cafe, at Bernitos Bakery and Cafe.

Mayroon din itong lugar na maaari mong pahingaan, ang Motel Gardenia. Kung tourist spots naman ang hanap mo, mayaman ang ang bayan sa natural na yaman.

Nandiyan ang Fekung Ambok, Salban Falls, Batang Mountain Ricj View, Bat Cave, B’latik Falls, Golden Cave , at Diocesan Shrine of Divine Mercy.

Tara na bisitahin na ang bayan ng Tulunan, Cotabato!

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *