Umabot ng mahigit sa Php1 milyong piso ang pondong inilaan para sa pamamahagi ng mga libreng agricultural inputs tulad ng pataba, mga punla ng durian, at mga buto ng mais, para sa siyam na asosasyon ng mga magsasaka nito lamang Septiyembre 4, 2024 sa San Isidro Gym, Tagum, Davao del Norte.
Ito ay pinondohan ng LGU Vegetable Production Support Program ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum, sa pamumuno ni Mayor Rey T. Uy, at ng Quick and Durian Expansion Program ng Department of Agriculture XI.
Ang mga asosasyon na masayang nakatanggap nito ay ang Tagum Durian Growers Association (Madaum at San Isidro), Bincungan Banana & Vegetables Farmer’s Association, Bincungan Multi-crop Farmer’s Association, MALVAPA, SANID FARM, MAKAPFARMA, Madaum Corn and Vegetables Growers Association, at Madaum Vegetables and Sweet Corn Farmers Association.
Isa ito sa mga pangunahing prayoridad ni Mayor Rey T. Uy upang higit pang masuportahan ang ating mga magsasaka sa kanilang kabuhayan at tiyakin din ang seguridad sa pagkain ng siyudad.