Nagpakitang gilas ang mga nagmamay-ari ng coffee shop at brewers galing sa mga kalahok ng Cagayan de Oro, Ozamis, Bukidnon at Iligan sa isinagawang Latte Art Throwdown na ginanap sa City Hall, Iligan City nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.
Ayon pa kay Rey Eboras, organizer ng nasabing kaganapan ay mayroon silang inaasahan na 50 na partisipante na lalahok galing sa mga karatig na probinsiya.
Ito ay huhusgahan sa kanilang mga ipinakitang talento, 40% sa lasa ng kanilang tinitimplang produkto,20% sa aroma,20% sa pagkakapareho, 10% sa presentasyon at pagiging malikhain,10% na gamit ang local beans na magkakaron ng 100% na antas.
Sa propesyunal na kategorya ng kompetisyon ay makakatanggap ang mananalo ng Php500,000.00, sa pangalawang pwesto ay Php3,000.00 at sa pangatlong pwesto ay makakatanggap ng Php2,000.00.
Sa hindi propesyunal na kategorya naman ay Php4,000 sa mananalo, sa pangalawang pwesto ay Php3,000.00 at Php2,000.00 sa pangatlong pwesto na lakip ang tropeyo at sertipiko.
Layunin ng ganitong uri ng aktibidad ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagkakaibigan ng bawat Iliganon para sa paglago ng lungsod.