Tumanggap ng tulong pinansyal ang nasa 24 mga octogenarian at nonagenarian sa lungsod ng Zamboanga mula sa lokal na pamahalaan nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang barangay sa Zamboanga sa ilalim ng CSWDO-Field Office 3 kabilang na ang mga barangay ng Calarian, Canelar, Pasonanca, San Roque, Sta. Maria at Tumaga.

Ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng insentibo sa mga senior citizen ay bahagi ng Ordinance 539 ng siyudad o kilala din bilang ang Octogenarian and Nonagenarian Benefits Ordinance.

Ang nasabing ordinansa ay nagbibigay ng one-time monetary benefits sa mga senior citizen na nagkakahalaga ng P10,000.00 bawat isa sa mga octogenarian at P20,000.00 naman kada nonagenarian ng siyudad.

Layunin ng programa ng lokal na pamahalaan na masuportahan ang mga pangangailangan ng mga matatanda o senior at upang mabigyan ng pagkilala sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *