Arestado ang isang laborer sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos mahulihan ng ilegal na baril sa isinagawang seach warrant operation ng mga otoridad sa Brgy. Kulaman, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang ika-20 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dong”, 34 anyos, may asawa, laborer at residente ng Brgy. Kulaman, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng dalawang maliit na pakete na pinaghihinalaang shabu, isang unit ng cal. 22 pistol na may serial number 40367, isang piraso ng steel magazine ng cal 22 pistol, limang pirasong live ammunition ng cal 22 mm, isang unit cal. 5.56 break open pistol tatlong piraso ng live ammunition of cal.5.56mm at tatlong piraso ng fired cartridge case of 5.56 mm.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro na ang lahat ng may atraso sa batas ay mananagot upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *