Boluntaryong sumuko ang 11 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Ladtingan, Pikit, North Cotabato nito lamang ika-5 ng Setyembre 2024. Kinilala ang sumuko na sina alyas “Boyet”, alyas “Fata”, alyas “Tani”, alyas “Kuros”, alyas “Kastro”, at alyas “Dolphy”, alyas “Ditin”, alyas “Aladin”, alyas “Rasul”, alyas “Ediboy”, alyas “King”.
Napag-alaman na boluntaryo ring isinuko ang isang Improvised RPG, isang M14, apat garand rifle, isang barret rifle, dalawang cal. 45 pistol, dalawang 40mm ammunition, tatlong Improvised grenade, dalawang rpg ammunition at isang fragmentary grenade.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga personahe ng Philippine Army, PNP Special Action Force at Pikit Municipal Police Station.
Nakatanggap naman ang bawat sumuko ng cash assistance at bigas.
Patuloy naman ang paghikayat ng gobyerno sa lahat ng mga miyembro ng BIFF na iwanan ang grupo at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.