Maguidanao del Sur- Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang 3rd Quarter Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting sa Provincial Capitol, Buluan, Maguindanao del Sur noong ika-14 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ni Hon. Bai Mariam Sangki Mangudadatu, Provincial Governor ang naturang pagpupulong katuwang sina Hon. Nathaniel S. Midtimbang, Vice-Governor; Atty. Cyrus E. TorreƱa, Provincial Administrator; Board Members; mga kinatawan mula sa AFP; mga LGU ng Maguindanao del Sur at aktibong dumalo ang Force Commanders ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company; 24 Chiefs of Police ng MDS PPO ;mga Platoon Leaders ng 1st at 2nd PMFCs; pisikal na dinaluhan din ni Police Colonel Roel R. Sermese, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office kasama si Police Lieutenant Colonel Lendsy S. Sinsuat, DPDO; at Quad-Staff ng Maguindanao del Sur.

Naging talakayan sa naturang aktibidad ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan; pagpaplano ng mga hakbang sa seguridad; pagpapalakas ng koordinasyon; at ang pagbibigay ng mga parangal at pagkilala sa mga outstanding Municipal Police Stations ng naturang lugar.

Layon nitong mas mapag-uusapan at matugunan ang mga isyung pangseguridad tungo sa mas maayos na koordinasyon at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan at kaayusan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *