Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 124th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), nagsagawa ang City Human Resource Management Office (CHRMO) ng serye ng diyalogo hinggil sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) sa Lobby ng City Hall nito lamang Setyembre 16, 2024.

Ang naturang pagdiriwang na may temang: “Pagbabago ng Serbisyong Publiko sa Susunod na Dekada: Pagsasanay sa mga Agile at Future-ready na Serbanteng Bayani” ay ginanap sa Lobby ng City Hall ng lungsod ng Panabo.

Ang programang ito ay isang aktibidad ng CHRMO para sa pagdinig at pagsuri ng iba’t ibang mga polisiya na itinakda ng Civil Service Commission (CSC), kabilang ang mga opisyal at mga rank-and-file na empleyado ng ahensya.

Aniya pa ni CHRMO-AO V Mel-jun D. Vadal, kinakailangan raw eupdate o baguhin ang mga polisiya sa Human Resource Management sapagkat marami ang nagkakamali sa pagsunod sa ating mga batas kung kaya naman ang naturang pagtitipon ay malaking hakbang upang ito ay matugunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *