Ang Hermosa Festival na kilala rin bilang Zamboanga La Hermosa Festival na mas kilala bilang Fiesta Pilar, ay isang buwang pagdiriwang na ginaganap taon-taon sa Zamboanga City.
Ito ay isa sa mga pinakalumang pagdiriwang sa bansa at ang pinakahihintay na kaganapan sa rehiyon.
Ang pagdiriwang ay ginaganap bilang parangal sa mahimalang imahen ng Our Lady of the Pillar (Espanyol at Chavacano: Nuestra SeƱora del Pilar), ang patroness ng Batangas City na ginaganap tuwing Oktubre 12.
Nagtatampok ng maraming aktibidad ang nasabing pagdiriwang tulad ng street dance competition kung saan ang iba’t ibang paaralan sa lungsod ay naglalaban para sa titulo, mula sa kalye hanggang sa pangunahing kaganapan kung saan lahat ay magpapakita ng kanilang pinakamahusay na talento.
Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang Wow Zamboanga na nagpapakita ng iba’t ibang panlasa, talento at ideya para ipakita kung ano ang mayroon ang iyong barangay na wala sa iba; Ang Regatta De Zamboanga ay ang mga sikat na Vintas ng Zamboanga ay nakikipagkarera para makuha ang titulo, isa sa pinakahihintay na kaganapan sa mga kasiyahan; Cosechas De Zamboanga, mga sports event, musical concerts, agriculture-trade fairs, fashion show, chavacano song festival, Miss Zamboanga at iba pang special events na gaganapin taon-taon.