Dinarayo ngayon ang bagong tourist destination na tinatawag na Tiny Hauz Beach Lanca na matatagpuan sa Purok 2, Barangay Lanca, Mati City, Davao Oriental.

Ang naturang resort ay kilala dahil sa kaakit-akit nitong dalampasigan at crystal-clear na dagat, idagdag pa ang mga alon na saktong-sakto para mag-surfing.

Panigurado naman maganda ang magiging simula ng iyong araw dahil sa IG-worthy na bukang-liwayway.

Pagdating naman sa kanilang rates ay hindi mo na kailangang mag-alala sapagkat sa halagang 50 pesos ay maaari ka ng mag-daytour habang 100 pesos naman kung mas gusto mong mag-overnight.

Mayroon rin silang good for 2 na rooms na with aircon na sa halagang Php1,500.00 at mayroon namang malaking room na sakto sa 10 tao sa halagang Php6,000.00 lamang.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *