Hindi mahulugang karayom ang Anahaw Amphiteatre sa Iligan City kung saan matagumpay na idinaos ang 31st Silent Drill Competition 2024 nito lamang Setyembre 25, 2024.

16 na contingents ng mga silent driller mula sa iba’t ibang paaralan at karatig na lugar ang nagpakita ng kanilang husay sa kanilang espesyal na precision drill exhibition.

Ito ay binubuo ng dalawang kategorya, High School Category at College Category.

Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ng Rotaract Club ng Iligan City at bahagi rin ito ng Diyandi Festival ng lungsod.

Matapos ang pagtatanghal, idinaos ang awarding ceremony kung saan nasungkit ng St. Peter’s College-Iligan bilang Champion-College Category; Our Lady of Perpetual Help Academy naman ang Champion sa High School Category.

Ang Silent Drill Competition ay hindi lamang isang paligsahan kundi isang makabuluhang pagkakataon upang ipakita at ipagmamalaki ang kakayahan ng bawat estudyante.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *