Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa Purok Meliton, Brgy. Poblacion, San Miguel Zamboanga del Sur nito lamang ika- 24 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Koy” residente ng Purok 6 Brgy. Concepcion San Miguel Zamboanga Del Sur.
Nabatid na si alyas “Koy” ay dating miyembro ng Hingpit Nga Organisadong Masa/Barrio Revolutionary Committee HOMBRC sa ilalim ng Guerilla Yunit sa Distrito GYD at Salbukan G’taw Subanen (SGS).
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.