Magbubukas na sa publiko ang Panguil Bay Bridge na isa sa mga ipinagmamalaking imprastraktura ng Northern Mindanao nito lamang Biyernes, Setyembre 27, 2024.
Itinuturing ito bilang pinakamahabang tulay ng Mindanao.
Ang naturang proyekto ay may kabuuang haba na 3.77 kilometro na nag-uugnay sa dalawang lalawigan ng Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Ang konstruksyon ay nagsimula noong 2020 at bahagi ng malawakang Build, Build, Build Program ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo na si Rodrigo Roa Duterte.
Nagsisilbing malaking papel ang tulay sa pag-unlad ng ekonomiya ng Mindanao.
Sa pamamagitan ng tulay, mas magiging madali ang transportasyon ng mga produkto sa mga karatig na lalawigan.
Makakatulong din ito sa pagpapasigla at pagpapalago ng turismo ng rehiyon ng Northern Mindanao.
