Davao del Sur- Nasakote ang Top 1 Municipal Level Most Wanted Person ng mga otoridad sa ikinasang operasyon sa Purok 1, Barangay Ibo, Malalag, Davao del Sur nito lamang umaga ng Lunes, ika-30 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rogen”, 26 anyos, isang manggagawa at residente ng naturang lugar.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault kaugnay sa Sec. 5(B) ng Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Patuloy ang PNP sa mandato na ilagay sa likod ng rehas ang taong may pananagutan sa batas upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *