Upang palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa sakuna, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng tatlong araw na pagsasanay sa Emergency Operation Center (EOC), na naglalayong pahusayin ang koordinasyon sa panahon ng emergency.
Tinatayang 30 kalahok na binubuo ng mga focal point ng DRR mula sa mga opisina ng PLGU at iba pang mga Non Government Organization sa lalawigan ang dumalo sa pagsasanay noong Setyembre 25 hanggang 27 sa The Ritz Hotel, Davao City.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, ang inisyatibang ito ay patunay ng pangako ng pamahalaang panlalawigan na gawing isang disaster-resilient na lalawigan ang Davao de Oro.