Malaybalay, Bukidnon – Isinuko ng dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang baril sa mga awtoridad nito lamang ika-29 ng Setyembre 2024 sa Camp Capt Ramon M Onahon, Malaybalay City, Bukidnon.
Kinilala ang sumuko ng baril na si alyas “Mar” dating miyembro ng Guerilla Front 89 – NCMRC, 46 anyos.
Nabatid na ang isinukong baril ay isang Caliber .38 na kulay itim na walang marking.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.