Handog ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang 15 rolyo ng 63mm polyethylene pipes para sa Project LAWA sa BINHI site bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang distribusyon ng tubig sa Barangay Casiklan, Agusan del Norte.
Ang mga polyethylene pipes ay ipinagkaloob ng United Nations World Food Programme (UN-WFP) at nakalaan para sa rehabilitasyon ng water system sa Purok 1-10 ng Barangay Casiklan.
Ang mga bagong pipes na ito ay inaasahang magbibigay ng mas epektibong distribusyon ng tubig, na magdadala ng pangmatagalang solusyon sa mga kinakaharap na hamon ng komunidad patungkol sa kanilang suplay ng tubig.
Ang Project LAWA at BINHI, o Local Adaptation to Water Access, ay isa sa mga mahahalagang programa ng DSWD na tumutugon sa mga isyung kaugnay ng kakulangan sa pagkain at tubig, partikular na sa mga lugar na madalas nakakaranas ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan.
Sa patuloy na suporta ng UN-WFP, layunin ng programa na mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad na may limitadong akses sa tubig at maitaguyod ang mas maayos at matatag na kabuhayan sa lugar.
Ang pagsasakatuparan ng proyektong ito ay isang patunay ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon upang bigyang-lunas ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar.