Mahigit 2,000 na residente ang nakatanggap ng Free Health Insurance sa Barangay Nazareth, Cagayan de Oro City nito lamang ika-19 ng Oktubre 2024.
Dinaluhan ang nasabing programa ni Mr. Marlon Arrabaca, representative ng Local Philhealth Office, Barangay Officials, Local Government Unit sa pangunguna ni City Vice Mayor Jocelyn ‘Bebot’ Rodriguez at Atty. Regine Rodriguez, Nazareth Chairwoman.
Kasabay din nito ang turned over ng 1,922 Philhealth IDs at Members Data Record (MDRs) sa mga residente ng nasabing lugar.
Layunin ng programa na bigyan ng access ang lahat ng residente sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang walang dapat ipangamba sa gastusin.