Nagsagawa ng Social Pension Program ang Local Government Unit ng Cotabato sa bayan ng Libungan, Cotabato nito lamang ika-22 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 at LGU Cotabato ang naturang aktibidad.
Namahagi ng tig-P3,000.00 na tulong-pinansyal sa higit na nangangailangang nakatatanda sa bayan ng Libungan.
Nasa 4,336 na kabuoang bilang ng mga benepisyaryo ang tumanggap ng kanilang pensyon.
Layunin nitong ipadama ang malasakit at tulungan ang mga senior citizen na lubos na nangangailangan.