Nagsagawa ng Relief Operation Activity ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 sa iba’t ibang bayan ng Cotabato nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng DSWD 12 katuwang ang LGU Cotabato ang pamamahagi ng family foodpacks sa mga apektado ng baha.
Sa ikinasang “Relief Operation Activity,” inihatid sa bayan ng Libungan ang 2,298 family food packs; 2,699 rin nito sa Pigcawayan kasama ang 200 sleeping kits at hygiene kits pati na 100 modular tents; habang nabigyan rin ng 37 family kits, 24 sleeping kits at kitchen kits ang mga taga-Magpet.
Ang pamamahagi ng relief goods ay magsisilbing inspirasyon sa mga biktima na patuloy na magtulungan at tumulong sa kapwa, sa gayun ay makabangon sa anumang sakuna at malampasan ang mga hamon ng buhay.