Matagumpay na isinagawa ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) ang Ground Breaking Ceremony para sa itatayong Regional Youth Training and Development Center sa Tamontaka, Bubong Road, Cotabato City noong ika-28 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ang seremonya ni BYC Chairperson at MP Marjanie Mimbantas Macasalong , kasama sina BYC Commissioner Nas Dunding at iba pang mga opisyal.

Ang proyektong ito ay may pondong P18.4 milyon mula sa Special Development Fund ng Bangsamoro Youth Commission na magbibigay-daan sa mas komprehensibong mga programa para sa bawat kabataang Bangsamoro.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong magbigay ng mga pagsasanay at iba pang development programs para sa kabataang Bangsamoro.

Photo Credit: Bangsamoro Youth Commission

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *