Nagsagawa ng clearing operation ang LGU Iligan sa pangunguna ng Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office (ICDRRMO) matapos ang hagupit ng Bagyong Kristine sa Lungsod ng Iligan nito lamang ika-27 ng Oktubre 2024.

Katuwang ang maraming ahensya tulad ng 503rd Combat Engineering Battalion, Philippine Red Cross-Iligan, Bureau of Fire Protection-Iligan, Iligan City Police Office, at ang Barangay Ditucalan Team ay walang pagod na nagtrabaho upang linisin ang mga bakas at ibalik ang normalidad sa mga daan.

Dahil sa laki ng pinsala, inuna ang mga pangunahing lugar, tulad ng pag-alis ng mga sagabal sa kalsada malapit sa Hospital, upang matiyak na mananatiling accessible ang mahahalagang ruta.

Ang pinag-isang pagsisikap na ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng mga lokal na ahensya na protektahan at suportahan ang komunidad sa panahon ng kalamidad at sabay-sabay na babangon sa anumang hamon ng buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *