Na-rescue ang isang Wildlife threatened species ng mga tauhan ng Lanao del Norte Maritime Police Station sa pangunguna ni Police Major Janjam B Jalad.
Ang aktibidad ay nagresulta sa pagsagip ng isang unggoy o โPhilippine Long-tailed Macaque na kusang-loob na itinurn-over ng isang concerned citizen sa pulisya.
Pinaniniwalaan na ang hayop na ito ay itinuturing na nanganganib na Wildlife Fauna gaya ng idineklara sa Philippine Red list ng Threatened Wild Life Fauna sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang nasabing hayop ay i-tinurn over sa Zoology Technician ng Conservation and Development Division (CDD) ng DENR 10 para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.