Nagsagawa ng libreng serbisyong pangkalusugan ang Local Government Unit ng Cotabato sa Barangay Kisupaan sa bayan ng President Roxas, Cotabato nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) katuwang ang Barangay Health Workers ng nasabing barangay ang pagsasagawa ng medical and dental program.
316 na mga residente ang sinuri ng mga doctor sa ginawang medical check-up; 35 naman ang nabunutan ng ngipin, at 38 na mga bata ang sumailalim sa operation tuli. Bukod sa nabanggit, anim (6) na mga bata ang nabahagian ng Complementary Food Packs (CFPs), habang 45 na mga bata rin ang nabigyan ng masustansyang pagkain sa feeding program.
Ang aktibidad na ito ng kapitolyo ay lubos na ipinagpasalamat ng mga residenteng nakapag-avail ng libreng serbisyo mula sa programa na malaking tulong sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.